Inamin ng Department of Health (DOH) na nagkamali ito sa paraan ng pagsasabi na “low risk” na ang Pilipinas sa COVID-19.
Nilinaw ni Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala namang intensyon ang DOH na mag-anusyo na nasa low risk na ang bansa at maaari ng maging kampante.
Nagkamali lamang anya sila sa paraan ng paglahad ng sitwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas.
Una nang inabisuhan ng World Health Organization na kailangang maging maingat ang DOH sa mga pahayag nito.
Muli namang pinaalalahanan ng kagawaran ang publiko sa kahalagahan ng pagtanggap ng ikalawang dose ng bakuna upang makumpleto ang proteksiyon laban sa nakahahawang sakit. —sa panulat ni Drew Nacino