Inamin ng Department of Health na patuloy sa pagtaas ang bilang ng kaso ng Human Immuno-Deficiency o HIV virus sa bansa.
Ang pahayag na ito ng DOH ay kasunod ng ulat noong nakaraang buwan kaugnay ng umano’y apat na taong gulang na batang lalaki na nagpositibo sa HIV.
Ayon kay Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DOH, hindi pa nakararating sa kanila ang report kaugnay ng naturang bata.
Gayunman, batay sa kanilang tala, ang mga lalaki na nakikipagtalik sa mga kapwa nila lalaki ang may pinakamataas na bilang na HIV positive.
Sa kabila nito, sinabi ni Lee Suy na tumataas ang bilang ng sakit dahil patuloy ang kanilang kampanya sa mga high risk populated areas ng HIV.
By: Allan Francisco