Inamin ni Department of Health (DOH) Secretary Franciso Duque III na naging malaking hamon sa ahensya ang krisis ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa kaniyang pagharap sa teleconference ng COVID-19 committee technical working group health sinabi ni Duque na “extremely difficult” ang karanasan ng ahensya sa nakalipas na tatlong buwan sa gitna nang patuloy an paglaban ng bansa COVID-19.
Ipinaabot ni Duque ang pagkilla sa staff ng DOH at buong health care sector na nagsa sakripisyo ng kanilang panahon at buhay para makatulong sa mga kapwa Pilipinong nagkakasakit.