ISINIWALAT ng Department of Health (DOH) na may na-detect itong ibang COVID-19 variant sa isang biyahero mula South Africa.
Sa isang public briefing, inilarawan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang variant bilang ‘B.1.1.203’ na aniya’y lumitaw sa biosurveillance results ng Philippine Genome Center o PGC.
Ngunit nilinaw naman ni Vergeire na hindi ito ang omicron na binabantayan ng mga eksperto at hindi rin ito maituturing na ‘variant of concern’.
Hindi naman binanggit ng opisyal kung nakikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ang pasyenteng nagpositibo sa bagong variant.