Inihayag ng Health Department na walang kasiguraduhan kung patapos na talaga ang laban ng Pilipinas sa banta ng delta variant sa bansa.
Nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa sampung nagpositibo sa COVID-19, siyam dito ang dinapuan ng delta variant.
Masasabi lamang na nakokontrol na ang pagkalat ng naturang virus kung bumababa na ang mga kaso at napuputol na ang chain of transmission o hawaan ng variant.
Sa ngayon aniya, ang nakikita pa lamang ng kagawaran at pagbaba ng mga kaso sa Maynila at ilang mga lalawigan.