Inanunsyo na ng Department of Health (DOH) ang pagpapalabas ng interim guidelines ng Philippine Society Of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID).
Ito ay para sa paggamit at interpretasyon ng rapid antibody based testing kits sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DOH, nakapaloob dito ang guidelines para sa diagnosting testing kasama ang gabay sa rapid antibody test, pagkuha ng specimen o samples.
Mga kinakailangang equipment o kagamitan, clinical presentation ng sakit, tamang paghawak o pangangasiwa sa suspected o kumpirmadong pasyente ng COVID-19.
Gayundin ang paggamit ng investigational drugs o off-label na mga gamot, pre and post-exposure prophylaxis at pamantayan sa pagdischarge ng pasyente.