Inihayag ng Department of Health (DOH) na ang pagsunod sa minimum health protocol at pagpapabakuna ang pinaka-epektibong paraan upang maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19.
Mababatid na ang “Long COVID” ay ang kondisyon kung saan ang pasyente ay maaaring makaranas ng matagal na sintomas, kagaya ng fatigue, chest pain, ubo, kinakapos na paghinga, at masakit na kasu-kasuan sa loob ng ilang linggo hanggang buwan matapos magpositibo sa COVID-19.
Binigyang-diin ng DOH na ang pinakamahusay na proteksyon laban sa anumang bagong variant ng COVID-19 at sintomas sa long COVID ay ang pagsusuot ng facemask, pag-i-isolate kung may sakit, pagtiyak ng magandang daloy ng hangin, at pagpapabakuna kasama na ang booster shot.