Posibleng manatili sa ilalim ng alert level 4 ang Metro Manila sa kabila ng unti-unting pagbaba ng COVID-19 cases.
Ito ang inihayag ng Department Of Health sa gitna ng pag-iingat nito sa interpretasyon sa datos dahil na rin sa mababang output ng testing laboratories.
Ayon kay DOH Epidemiological Bureau Director, Dr. Alethea De Guzman, nakapagtala ang NCR ng biglang pagbaba ng trend kung saan ang average daily reported cases ay bumaba ng 16% o 4,347 noong Setyembre 20 mula sa 5,145 noong Setyembre 13.
Sumadsad rin anya sa 0.8555 ang reproduction rate sa Metro Manila as of Setyembre 13.
Gayunman, 76% ng Intensive Care Unit beds ng NCR ay okupado as of Setyembre 24, na maituturing na high riskhabang ang bed utilization rate ay 63% o moderate risk at 59% sa mechanical ventilators.
Ipinunto ni De Guzman na kung pagbabatayan ang mga numerong ito ay posibleng manatili sa ilalim ng alert level 4 ang Metro Manila.—sa panulat ni Drew Nacino