Inihayag ng Department of Health (DOH) na lagpas na sa alert epidemic threshold ang mga naitatalang kaso ng dengue sa ilang probinsya sa Cagayan Valley.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na sa ngayon ay mas mataas na ang mga kaso kumpara sa naitala nuong nakaraang taon.
Karamihan sa mga dengue cases na naitala ay mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.
Samantala, naglaan naman ang kagawaran ng pondo bilang tugon sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon at naglagay na rin sila ng fast lane sa mga ospital para sa mga dengue patients.
Habang patuloy na binabantayan ng DOH Ang Central Luzon, Central Visayas at Zamboanga Peninsula dahil sa pagtaas ng mga kaso ng dengue sa nabanggit na mga rehiyon.