Inihirit ng Department of Health (DOH) ang pagpapataw ng mas malaking buwis sa mga tsitsirya o junk foods.
Ito ay para malutas ang problema sa obesity at upang pondohan ang Universal Health Care Program sa bansa .
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, batay sa latest survey ng Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute, nasa 27-M Pilipino ang overweight at obese.
Bahagi ng estratehiya ng kagawaran ang sin tax sa pagkokontrol ng iba’t ibang lifestyle risk factors.
Matatandaang una nang nagpatupad ang bansa ng mas mataas na buwis sa sigarilyo, alak, matatamis na inumin, at vape.
—sa panulat ni Hannah Oledan