Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mga kaso ng lambanog poisoning sa Laguna.
Matatandaang mahigit 200 indibwal ang nadala sa ospital habang 11 na ang kumpirmadong patay dahil sa pag inom ng lambanog.
Payo ni Health Secretary Francisco Duque III, iwasan ang pag inom ng mga alcoholic drinks ngayong holiday season.
Manatili aniyang sober ngayong holiday para makapag diwang ng kapaskuhan kasama ang pamilya at iba pang mahal sa buhay.
Matatandaang makailang beses na nagpalabas ng babala ang Food and Drug Administration laban sa mataas na methanol content ng mga lambanog at paala sa publiko na bumili lamang sa mga registrado sa FDA.