Nagtakda na ang pansamantalang petsa ang Department of Health (DOH) para sa gaganaping ikaapat na national COVID-19 vaccination drive.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, itinakda ang tentative date nito Marso 10 hanggang 12.
Magkakaroon naman ng house to house vaccination ang pamahalaan maging sa mga workplaces para maraming mabakunahan kontra COVID-19.
Noong ikatlong national COVID-19 vaccination drive, nasa 3.5 M Pilipino ang nabakunahan sa Pilipinas. – sa panulat ni Abigail Malanday