Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang online Philippine National Formulatory (PNF) at National Antibiotics Guidelines (NAG) sa gitna ng pagdiriwang ng bansa sa national generics month.
Layon ng programa na matiyak ang access ng publiko sa mahahalagang health information.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo ang PNF ay magsisilbing antional reference na magbibigay gabay sa national at local governments hinggil sa drug procurement, prescription at paggamit ng iba’t-ibang mga gamot.
Sa PNF rin aniya makikita ang impormasyon kung paano ang reinbursement ng claims sa PhilHealth mula sa mga pribado at pampublikong healthcare facilities.
Ayon pa kay Domingo ang mga gamot na nakalista sa PNF ay mahalaga sa pagtugon sa major diseases sa bansa.
Sa NAG naman ipinabatid ni Domingo na nakalatag ang mga rekomendasyon kung paano ang tamang approach para magamot ang common infectious diseases.
Isinusulong din nito ang kalidad at tamang paggamit ng anti-microbials sa lahat ng healthcare facilities sa bansa.
Maaaring bumisita sa www.phardiv.doh.gov.ph para malaman ang nilalaman ng PNF at NAG samantalang nakatakdang ilimbag at ipakalat ang PNF manual sa mga health care facilities sa huling quarter ng taong ito.