Inihayag ng Department of Health (DOH) na humigit-kumulang 40K home care kits ang ipapamahagi sa Metro Manila.
Ayon sa DOH, ang mga home care kits ay ibabahagi sa 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang matulungan ang mga indibidwal at komunidad na higit na nangangailangan ng mga care kit.
Ang bawat kit ay naglalaman ng digital thermometer, alcohol, oral antiseptic, face mask, bitamina, gamot, at quick relief syrup packet para sa mga taong nakakaranas ng mild symptoms ng COVID-19.
Samantala, nanawagan ang doh sa publiko na agad na mag-isolate sa pagsisimula ng mild symptoms ng COVID-19 upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng virus.
Pinayuhan din ang publiko na i-maximize ang mga serbisyo ng telemedicine para sa mga indibidwal na sumasailalim sa home quarantine o isolation. —sa panulat ni Kim Gomez