Itinanggi ng Deparment of Health (DOH) ang pagsibak kay Dr. Celia Carlos bilang Direktor ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, mananatiling direktor ng RITM si Carlos.
Reaksyon ito ni Duque matapos kumalat sa social media ang kanyang department order na nagtatalaga kay Health Asst. secretary Nestor Santiago bilang officer in charge ng RITM.
Ipinaliwanag ni Duque na nagkaruon lamang ng oversight ang kanyang assistant na naghanda ng department order.
Ang kanyang direktiba anya ay italaga si Santiago upang asistihan si Carlos sa pagpapalawak ng testing capabilities ng RITM sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Una rito, sinasabing sinibak si Carlos dahil sa pagtanggi nito na bigyan ng prayoridad ang COVID testing ng mga VIP’s.