Inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maituturing na isolated case ang kaso ng 2 taong gulang na batang nagpositibo sa Covid-19 matapos magpunta sa mall.
Ayon kay Vergeire, hindi sila kumbinsido na sa mall mismo nahawa ang naturang bata dahil may mga posibleng dahilan ng pagkakasakit ang isang bata.
Dagdag pa ni Vergeire, malakas man ang resistensya ng mga bata ay mataas parin ang posibilidad na maging carrier ng Covid-19 ang mga ito.
Sa kabila nito, nagpaalala ang ahensya sa mga magulang at guardians na hangga’t maaari ay iwasang dalhin ang kanilang mga anak sa matataong lugar dahil ang pangunahing dahilan kung bakit pinayagang makalabas ang mga kabataan ay para makapag-ehersisyo, maarawan at makipag-interact sa iba pang mga bata. —sa panulat ni Angelica Doctolero