Bigo pa rin ang Department of Health na maabot ang target na makapagbakuna ng 23 million COVID-19 vaccine booster sa ilalim ng “PinasLakas” vaccination drive.
Aminado si DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na 1, 729, 547 pa lamang ang nabigyan ng booster o 7% ang kanilang natuturukan mula sa kabuuang target hanggang October 8.
Ayon kay Vergeire, base sa pag-aaral ay maaari pang tumaas ang Admission sa mga ospital sa Setyembre o Oktubre kung hindi darami ang magpapaturok ng booster.
Dahil dito, muling nanawagan ang opisyal sa publiko na magpabakuna bilang proteksyon kontra COVID-19.