Kapos ang Department of Health (DOH) sa bakuna kontra dengue.
Inamin ni Dr. Lyndon Lee Suy, tagapagsalita ng DOH na hindi pa sila nakabibili ng bagong supply ng bakuna para dengue.
Sinabi ni Lee Suy na hindi ito maaaring gawin ngayon dahil hindi pa rehistrado sa Food and Drug Administration o FDA ang French firm na authorized dealer ng anti-dengue vaccine.
Batay sa record ng World Health Organization, isa ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng dengue ngunit walang sapat na supply ng gamot.
By Meann Tanbio