Kinalma ng Department of Health o DOH ang publiko hinggil sa Ebola reston virus.
Ito’y makaraang magpositibo sa nasabing virus ang ilang alagang unggoy batay na rin sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, walang dahilan para mangamba ang publiko dahil sa isang mahinang strain lamang aniya ito ng Ebola.
Wala rin aniya itong magiging epekto sa tao sakaling makakuha ito ng nasabing virus.
Kasunod nito, nanawagan si Garin na huwag nang ungkatin kung saan at anong pasilidad ang pinagmulan ng mga unggoy.
By: Jaymark Dagala