Kinikilala ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na airborne ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ilang partikular na sitwasyon o kapaligiran.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, mismong ang World Health Organization (WHO) at ilang mga eksperto sa bansa ang nagsabi na maaaring airborne ang COVID-19.
Halimbawa aniya rito ay sa ospital na isang sarado o enclosed na lugar at may mga tinatawag na aerosol-producing equipment.
Daagdag ni Vergeire, ito rin aniya ang dahilan kaya’t inirerekomenda nila ang pagkakaroon ng open air o maayos na ventilation ng ilang mga establisyimento tulad ng mga restaurants.
Una nang sinabi ng WHO na kanilang kinikilala ang mga inilatag na ebidensiya ng mahigit 200 mga scientists sa buong mundo na nagsabing airborne ang COVID-19.