Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagkamatay ng isang Saudi national na naka-confine sa RITM o Research Institute for Tropical Medicine dahil sa MERS-CoV.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, ang nasabing Saudi national na 36 na taong gulang at hindi pinangalanan ay nasawi noong September 29.
Sinasabing September 17 dumating ng bansa ang nasabing dayuhan at September 26 nang makita ang sintomas ng MERS-CoV bago pinasok sa ospital makalipas ang dalawang araw.
Kaugnay nito, sinabi ni Garin na naka-quarantine na sa San Lazaro Hospital ang 12 healthcare workers na nag-alaga sa Saudi National habang naka-confine sa RITM.
Nilinaw naman ni Garin na negatibo sa MERS-CoV ang mga naturang healthcare workers na araw-araw isasalang sa check up sa loob ng dalawang linggo para matiyak pang walang MERS-CoV ang mga ito.
By Judith Larino