Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang dalawang kaso ng omicron variant ng covid-19 sa Baguio City.
Ayon sa DOH, isa sa mga pasyente ay close contact ng pasyente ng covid-19 at walang travel history at sintomas.
Nagpositibo ito sa virus nitong Disyembre a-15 at nitong Enero a-15 lumabas ang resulta ng genome sequencing na positibo siya sa Omicron variant.
Wala ring travel history ang ikalawang nagpositibo pero nakakaranas ng sintomas ng virus.
Nagpositibo ito sa Covid-19 nitong Disyembre a-24 at Enero a-15 lumabas ang resulta.
Iniibestigahan na ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ang dalawang kaso maging ang kanilang nakasalamuha. —sa panulat ni Abigail Malanday