Kinumpirma ng DOH ang pagkamatay ng isang delta variant case mula sa Antique.
Kasabay nito, nilinaw ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire na COVID-19 kaso na, na-detect sa Taguig ay hindi local infection na dulot ng delta variant ng Corona Virus.
Ayon kay Vergeire, ang nasawi mula sa Antique ay 78 taong gulang na babae na walang travel history at isa sa 11 na na-detect na local cases ng delta variant.
Mayroon din aniyang partner ang nasawing babae mula sa Antique na naka-recover na mula sa COVID-19.
Sinabi ni Vergeire na isa pa sa nasawi sa delta variant ay nagmula sa Pandacan, Maynila.
Binigyang diin ni Vergeire na tuluy-tuloy ang contact tracing at pag-aaral kung paano nahawahan ng delta variant ang local cases sa kabila ng kawalan ng travel history.