Iniulat ng Department of Health (DOH) na wala pa ring na-detect na Omicron variant sa 48 samples na isinailalim sa whole genome sequencing nitong December 8.
Ayon sa DOH, ang naturang mga sample ay mula sa 12 Returning Overseas Filipinos (ROFs) at 36 local cases mula sa mga lugar na may high-risk average daily attack rates at case clusters.
Sa 48 samples, 38 dito ay Delta variant cases kung saan 31 ang local cases at pito ang ROFs.
Sinabi pa ng kagawaran na dalawang ROFs ang may history mula sa Turkey at ang isa pang ROF ay mula sa Jordan, Mexico, Netherlands, Panama at Peru.
Sa ngayon, umabot na sa 7,886 ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.