Kinumpirma ng DOH na may walong aktibong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, natukoy ang walong aktibong kaso ng Delta variant matapos magpositibo sa RT-PCR test.
Bagama’t sumailalim sa quarantine at una nang naiulat na naka-rekober ang mga ito, muli silang isinailalim sa RT-PCR test kung saan sila ay nag positibo.
Ani Vergeire, lahat sila ay walang sintomas at mino-monitor na ngayon hanggang matapos ang 14-day quarantine.
Kabilang ang walong indibidwal sa 16 ng mga bagong kaso ng Delta variant na una nang natukoy sa bansa.
Ang walong aktibong kaso ng Delta variant ay natukoy , apat mula sa Cagayan de Oro, isa sa Maynila, isa sa Misamis Oriental habang dalawa ang nanggaling sa abroad.