Ginagawan na ng paraan ng DOH o Department of Health upang mapabilis ang proseso ng pagsu-suplay ng medical equipment.
Kasunod ito ng naging mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Paulyn Ubial na baguhin ang proseso ng pamamahagi ng medical supplies.
Sinabi ni Ubial na bago pa man ang ikalawang SONA o State of the Nation Address ng Pangulo, inabisuhan na siya nito na gawan ng paraan ang mahabang proseso.
Dahil sa kasalukuyan halos aabutin ng tatlong buwan mula sa pagri-request, bidding, pagsusumite ng mga kaukulang dokumento, pagre-review ng request hanggang sa pag-apruba nito.
Tiniyak ng kalihim na ginagawan na nila ng paraan para ma-amyendahan ang batas para sa ikabibilis ng proseso.
- Meann Tanbio