Tiwala ang Department of Health (DOH) na maaabot nito ang target na bilang ng mga mabibigyan ng COVID-19 booster shot sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Director Ma. Soledad Antonio ng Bureau of International Health Corporation ng DOH, maganda ang bilang ng bakunahan sa rehiyon.
Gayunman, malaking hamon pa rin aniya ang mga lugar na mahirap mapuntahan.
Tiniyak naman ni Antonio na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapataas ang bilang ng mga mababakunahan sa bansa.