Kumuha pa ng dagdag na laboratory encoders ang Department of Health (DOH) para matugunan ang backlog sa pagpapapalabas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test results.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sumalang ka nasa test ang maraming samples subalit nagkaka problema sila sa pag e encode ng resulta.
Sinabi pa ni vergeire na hindi nagkakatugma ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa online tracker ng DOH at mga nag positibo sa virus dahil sa validation process.
Mayruon aniya silang hinahabol na case investigation forms na nanggagaling sa local government units na hindi naman naku kumpleto ang mga impormasyon kayat hindi makapasok sa kanilang sistema na siya namang ginagawa ng kanilang encoders.