Lalagda sa isang MOA o Memorandum of Agreement ang DOH o Department of Health, grupo ng mga doktor at mga pribadong ospital kaugnay sa mga batang nabigyan ng dengvaxia vaccine.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III kasabay ng kanyang pag-iikot sa mga ospital sa Maynila para alamin ang kalagayan ng mga nabakunahan ng dengvaxia.
Ayon kay Duque, layon ng MOA ang mabawasan ang nararanasang hirap ng mga magulang ng mga batang naturukan ng dengvaxia dahil sa mga bayarin.
Sinabi ni Duque, sakaling ma-confine ang isang naturukan ng dengvaxia, wala itong dapat bayaran sa ospital.
Maglalagay din ng dengue o dengvaxia expresslane sa mga ospital para mamonitor at mabigyan ng prayoridad ang mahigit walong daang libong (8,000) mga nabigyan ng nasabing bakuna.
Kabilang naman sa nilibot na ospital ni Duque ay ang San Lazaro at Jose Reyes Memorial Medical Center sa Maynila.