Nilinaw ng Department of Health na boluntaryo lamang ang kanilang libreng anti-dengue vaccine para sa mga Grade 4 student sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, hindi naman mandatory ang kanilang ipinatupad na hakbang at nananatiling “optional” para sa mga magulang kung nais nilang pabakunahan ang kanilang mga anak.
Magsisimula ang anti-dengue vaccine program sa Marso para sa mga batang edad 9 sa mga public elementary school sa Metro Manila, Region 3 at 4-A kung saan malaking bilang ng nagkakasakit ang naitala.
Samantala, ibibigay naman ang second dose ng bakuna sa Setyembre habang ang ikatlo at huling dose ay ibibigay sa Marso ng susunod na taon.
Umaasa naman ang kalihim na maraming magulang ang mag-aavail ng libreng bakuna lalo’t maraming benepisyo ito para sa kanilang mga anak.
By Drew Nacino