Simula sa Abril, posibleng wala nang makuhang libreng contraceptives sa mga health centers.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, hanggang Marso na lamang tatagal ang suplay ng mga contraceptives na nabili sa budget noong nakaraang taon.
Una rito, tinanggal ng Senado sa panukalang budget ng DOH ang P1 bilyong pisong nakalaan sana para sa libreng condom, IUD’s, at birth control pills sa mga government health centers.
Sinabi ni Garin na pitong milyong babae o halos pitong porsyento ng populasyon ang hindi mabibigyan ng family planning service dahil sa kakulangan ng pondo.
Dahil dito, sinabi ni Garin na kailangang pagsikapan nila sa DOH na makakuha ng tulong sa international groups tulad ng United Nations.
By Len Aguirre