Lubos na nakikiramay ang buong DOH o Department of Health sa pamilya ng pinaslang na isa sa mga tinaguriang Doctors to the Barrio na si Dr. Dreyfus Perlas.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag kayat bilang pagluluksa rin sa pagkamatay ni Perlas ay nagsuot sila ng itim na damit sa ikinakasa nilang black Monday protest.
Sinabi ni Tayag na nanghihinayang sila sa kagaya ni Perlas na buong pusong tumutulong sa mga nangangailangan subalit napapahamak pa.
PAKINGGAN: Pahayag ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag sa panayam ng DWIZ
DOH ipinauubaya na sa mga otoridad ang imbestigasyon
Ipinauubaya na ng Department of Health sa mga otoridad ang imbestigasyon sa pagpaslang sa isang doktor sa Lanao del Norte.
Sinabi sa DWIZ ni Health Assistant Secretarty Dr. Eric Tayag na bahala na ang mga otoridad na imbestigahan ang pagpaslang kay Dr. Dreyfus Perlas.
PAKINGGAN: Tinig ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag
By Judith Larino