Mag-iimbak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits ang Department of Health (DOH) na sapat para sa tatlong buwan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gagamitin ito sa mass testing na target ng pamahalaan simula bukas, April 14.
Sa ngayon aniya ay mayroon namang sapat na test kits ng DOH para simulan ang mass testing.
Target ng DOH na makagawa ng 3,000 COVID-19 tests sa pagsisimula ng mass testing subalit inaasahang mapapataas nila ito sa 8,000 hanggang 10,000 tests bago matapos ang Abril.