Magdodoble-kayod pa ang Department of Health (DOH) kontra sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay makaraang humigit na sa isang milyon ang kabuaang bilang ng kaso ng virus sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kanilang paiigtingin ang mga ginagawang hakbang ng ahensya gaya ng pagpapalakas ng health system at isolation facilities at pagpapataas ng testing capacity sa bansa.
Binigyang-diin din ni Vergeire na kahit sa simula pa lamang naman ng pandemya ay ginagawa na ng DOH ang pagpapaigting ng mga naturang hakbang laban sa virus, gayunman, ay kailangan kasi aniyang ibalanse ang limitadong resources para sa lahat ng sektor.
Samantala, nito lamang Lunes ay lumagpas na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.