Paglalaanan ng pondo ng Department Of Health (DOH) ang pagha-hire ng karagdagan pang vaccinators para sa COVID-19 mass inoculation program ng gobyerno.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, magmumula ang pondo sa Bayanihan to recover as one law o Bayanihan 2 kung saan kukunin ang P368-M.
Ani Cabotaje, sa ngayon ay mayroon nang 3,000 vaccinators ang nakuha ng DOH at ipinapanukala rin nilang magkaroon ng kaparehas na probisyon sa panukalang bayanihan 3 law.
Sa ilalim ng bayanihan 2, mayroong kabuuang P165.5-B na pondong nakalaan para sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.