Sasagutin ng Department of Health ang lahat ng mga gastusin ng mga mabibiktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, naglaan na sila ng pondo para sa mga mabibiktima at maaari nilang gamitin ang PHILHEALTH para sa kanilang mga bayarin.
Handa aniya ang DOH na bayaran ang balanse sa halaga ng pagpapagamot sakaling kulangin ang maco-cover ng PHILHEALTH sa mga bayarin.
Pinaiiral din ng DOH ang No balance billing sa mga ospital kaya’t nakiki-usap sila sa publiko na huwag nang magpaputok sa kanilang pagsalubong sa taong 2018.