Aabot sa 12K Vaccination sites ang ilalatag ng Department of Health (DOH) para sa ikatlong “Bayanihan, Bakunahan” program laban sa COVID-19 na gaganapin bukas, Pebrero a-10 hanggang a-11.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tutulong sa ikatlong national vaccination drive ang private sector, religious sector, at medical societies.
Iginiit ni Vergeire na ang mga site para sa national drive ay ihihiwalay mula sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 upang maiwasang magkamali sa pagbibigay ng mga bakuna dahil ang formulation ng doses para sa Age group ay iba.
Target ng gobyerno na mag-inoculate ng hanggang 6M katao sa ikatlong pagbabakuna kung saan sakop nito ang lahat ng 12 taong gulang pataas. —sa panulat ni Angelica Doctolero