Magpapalabas ang Department of Health (DOH) ng revised omnibus guidelines para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing, detection, isolation at pangangasiwa ng quarantine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay sa oras na lumabas na ang resulta ng isasagawang pilot run ng Antigen test.
Aniya, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pilot run para sa nabanggit na COVID-19 test kit.
Una nang sinabi ni Vergeire na wala pang available na rapid test kit sa pilipinas na umaabot sa 80% ang sensitivity level.
Batay sa United States Center for Disease Control (US-CDC), isinasagawa ang rapid antigen test sa pamamagitan ng pagsalang sa rapid test kit ng kinuhang nasopharyngeal o nasal swab specimen na hinaluan ng extraction buffer o reagent.
Dito made-detect ang presensiya ng specific viral Antigen na nangangahulugan ng pagkakaroon ng viral infection.