Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga mananakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) na mahigpit na bantayan ang kanilang mga kalusugan.
Ito matapos namang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na mga ticket sellers sa MRT 3.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pipilitin nilang makapagsagawa ng contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha o nakatransaksyon ng mga nagpositibong ticket sellers.
Aniya, nakikipag-usap na sila sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamunuan ng MRT 3 para matalakay kung paano isasagawa ang contact tracing sa mga nabanggit na pasahero.
Sa ngayon, pinapaalalahanan ni Vergeire ang mga mananakay ng MRT-3 na agad magpa-check-up o sumailalim sa quarantine kung makaramdam ng anomang sintomas.