Magsasagawa ng “purposive sequencing” ang Department of Health (DOH) sa Metro Manila.
Ito’y para matukoy ang lawak ng paghawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant at kung saang lugar ito.
Inaasahan din na sa pamamagitan ng purposive sequencing na pamamaraan, makakagawa ang pamahalaan at local government unit (LGU) ng mga hakbang para labanan ang pagkalat ng virus.
Una rito, tinalakay na ng DOH at LGU, kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno ang tungkol pagkalat ng UK at South African na nakapasok sa bansa.