Pinaplano ng Department of Health (DOH) na magsagawa ng special week of vaccination upang mapataas ang bilang ng mga Pilipinong mababakunahan ng booster shot.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, ngayong Setyembre nila pinag-aaralang ipatupad ang programa.
Katuwang ng DOH sa plano ang Centers for Health Development, Regional Vaccine Operation Center, at Medical Societies para makabuo ng paraan upang mapataas ang booster vaccination coverage.
Noong July 26 huling nagpatupad ng Pinaslakas campaign ang DOH na layong mabakunahan ang mas maraming Pilipino kontra COVID-19.