Mahigpit na imomonitor ng Department of Health (DOH) ang mga Pilipinong naka-quarantine sa Athlete’s Village sa New Clark City.
Ayon kay Health undersecretary Gerardo Bayugo, mga limang doktor mula sa mga ospital sa region 3 ang magkakatuwang na titingin sa lagay ng naturang mga Pinoy.
Dagdag pa ni Bayugo, nagpatupad sila ng house rules upang mapanatili ang kaayusan sa pasilidad.
Nilinaw rin ni Bayugo na maaaring gumamit ng cellphone at internet ang mga balikbayan ngunit hindi sila maaaring magpost sa social media o mag-live update kaugnay sa kanilang kondisyon habang naka-quarantine.