Makikipag ugnayan ang Department of Health (DOH) sa Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan hinggil sa mga hakbangin para sa paghuli sa mga gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, agad silang makikipagtulungan upang matiyak na maayos na maipapatupad ang gagawing paghuli.
Iginiit din ni Domingo na dapat ay bawal din ang paggamit ng vape sa mga lugar na bawal ang manigarilyo.
Samantala, magkakaroon din ng mahigpit na koordinasyon ang Food and Drug Administration (FDA) at Bureau of Customs para sa pagbabawal ng importation ng mga vaping products.