Nakatakdang makipagpulong ang Department of Health o DOH sa World Health Organization o WHO sa Geneva Switzerland sa susunod na linggo.
Ito ay upang talakayin ang mga usapin kaugnay sa dengvaxia dengue vaccine ng pharmaceutical company na Sanofi Pasteur.
Ayon kay DOH Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, kabilang sa mga mapag-uusapan ay kung kinakailangang makumpleto ng mga inisyal na naturukan ng dengvaxia ang tatlong doses ng bakuna sa kada anim na buwan.
Dagdag ni Lee Suy, nasa 200,000 mga estudyante lamang sa kabuuang 700,000 nabakunahan ng dengvaxia ang naka-kumpleto sa tatlong doses nito.
Gayunman, tiniyak ni Lee Suy na may hawak silang master list ng mga nabakunahang bata at patuloy nilang imomonitor ang mga ito loob ng limang taon.
—-