Hindi pa ikinukunsidera ng Department of Health ang hirit ng ilang kandidato na luwagan ang health protocols para sa in-person campaigning.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kailangan pang pag-aralan ang panawagan lalo’t hindi pa naman tuluyang nagtatapos ang COVID-19 pandemic.
Sa halip ay hinimok ni Duque ang mga kandidato na tanggapin ang katotohanang mayroon pa ring pandemya at mag-isip na lamang ng ibang paraan ng pangangampanya.
Dapat pa rin anyang isipin ng mga kandidato ang kapakanan at kaligtasan ng kanilang supporters kaya’t mahalaga ang pagsunod sa minimum public health standards.