Mamamahagi ng 20-milyong libreng cloth masks ang Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, alinsuod na rin na rin ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang ulat sa pangulo, sinabi ni Duque na isa lamang ang pamamahagi ng face masks at pagbabalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa 7-point recommendation na kanilang nabuo upang tugunan ang problema ng frontliners.
Kabilang pa anya sa kanilang rekomendasyon ang pagkuha ng karagdagang health care workers at bumuo ng health care workers reserve.
Papasok rin anya sila sa memorandum of agreement sa mga pribadong ospital upang makapagdeploy sila ng government health workers sa mga pribadong ospital kapag kinakailangan — madalas na testing, libreng accomodation at transportasyon.