Mamamahagi na ng condom sa mga paaralan ang Department of Health (DOH) simula sa susunod na taon.
Ito’y bilang bahagi ng “business unusual” strategy ng DOH sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng HIV-AIDS cases sa mga kabataan.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, sa oras na mailatag sa Department of Education (DepEd) ang stratehiya at isailalim sa counseling ay agad ipamamahagi ang mga condom.
Dapat anyang ihanda ang mga school authority, teacher, principals maging ang healthcare providers sa ilalargang hakbang ng kagawaran.
Layunin ng condom distribution na mabawasan ang mga sexually transmitted infection gaya ng HIV-AIDS.
Help from the community
Umapela ng suporta ang Department of Health mula sa mga lokal na komunidad kontra sa tumataas na bilang ng kaso ng HIV na nagdudulot ng AIDS sa bansa.
Ito ang inihayag ni Ubial sa gitna ng pagdiriwang ng World AIDS Day, kahapon.
Ayon kay Ubial, kailangang lumikha ng panibagong tulad ng paglilipat ng mga HIV screening center sa ibang lugar bukod sa mga health center at ospital.
Dapat ng palawakin ang kampanya kontra HIV-AIDS sa mga kabahayan kung saan mga magulang ang unang dapat mabigay payo sa kanilang mga anak hanggang sa education sector.
Ipinunto rin ng kalihim ang pangangailangan na ipakalat ang mga tamang impormasyon gaya ng safe sex partikular sa mga kabataan at ang pinakabantad na bahagi ng lipunan.
Base sa record ng kagawaran, umakyat na sa mahigit 38, 100 HIV cases ang naitala sa bansa simula 1984 hanggang nitong Oktubre.
By Drew Nacino
Photo Credit: AP