Lalong pinaigting ng Department of Health o DOH ang kanilang kampanya sa pagpapalakas ng kamalayan ng publiko kaugnay ng Tuberculosis o TB na isa sa mga dahilan ng kamatayan ng maraming Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City, binanggit ni DOH secretary Francisco Duque III na tinatayang isang daang milyong Pinoy ang nagtataglay ng sakit at karamihan sa kanila ay hindi alam na mayroon sila nito.
Dahil dito, isasama na ng DOH ang “TB Family Development Sessions” o FDS module sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng DSWD na naglalayong ipaalam sa tao kung ano ang maaaring gawin upang matukoy ito at gayundin ang mga sintomas ng naturang karamdaman.
Ang mahalaga aniya ay nagagamot naman ang TB, hindi katulad ng ibang sakit na wala pang natutuklasang lunas.