Pinaigting pa ng Department of Health (DOH) ang kampanya nito para sa ligtas na pagsalubong sa bagong taon ilang oras na lamang ito bago ang pagpasok ng taong 2017.
Muling ipinabatid ni Health secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial ang pagtataas ng code white alert noong pang isang Linggo na nangangahulugang full force ang mga doktor at medical staff sa lahat ng government hospitals.
Samantala, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 932 kaso ng mga naputukan sa buong bansa mula December 21, 2015 hanggang January 5, 2016.
By Judith Estrada-Larino