Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga may-ari ng establishments at gusali na tiyaking may sapat na ventilation ang maliliit na espasyo ng kanilang mga lugar para laban ang posibleng COVID-19 infection.
Magugunitang binawi ng Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika ang naunang pahayag hinggil sa airborne transmission ng coronavirus.
Nagpalabas ng memorandum ang DOH kung saan inaatasan ang administrator, employers, may-ari ng public buildings gayundin ang mga homeowners na magpatupad na ng bagong control measure sa kanilang nasasakupan.
Ipinagbabawal ng DOH ang anumang uri ng aktibidad sa masisikip at maliliit na lugar subalit kung hindi maiwasan ay dapat matiyak na nakabukas ang mga pintuan at bintana.
Pinaiiwas din ng DOH ang mga indibidwal sa pagdistansa o lumayo sa tapat ng electric fan at air conditioners dahil posibleng mapabilis nito ang paglalakbay ng virus kung totoong airborne ang nature nito.
Hindi rin muna pupuwedeng gamitin ang mga device na naglalabas ng recirculated air o hangin na umiikot lang sa isang lugar tulad sa loob ng mga sasakyan.
Pagdating sa mga palikuran dapat na nakabukas palagi ang exhaust fans samantalang ang inidoro ay dapat nakasarado kapag pina-flush para hindi humalo sa hangin ang tilamsik ng tubig.